Sunday, March 14, 2010

paano nga ba maiiwasan ang mga pulitikong korap..

sa isang sitio sa barangay ng Guyong naimbitahan ang inyong lingkod ng SHIFT Voters. samahan ng mga bagong botante kung saan mamimili sila ng kanilang kandidatong tutulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang minutong pananalita sa harao ng mahigit isang daaang tao.
Pagkatapos magsalita ng lahat ng kandidatong naroroon, panahon naman para magtanong ang mga kabataan sa mga kandidatong nasa harapan.

ang tanong, i don't remember the exact question but i'm sure it's all about how can we prevent corruption if given the chance to win this election.

more or less eto din ung concept ng sagot na ibingay ko.

"halos lahat ng kumakandidato ngayon ay sasabihing babantayan nila ang bawat perang inilalabas ng bayan, susuriin kung ito ba ay karapat dapat na pagtuunan at paglaanan ng pondo ng bayan. Pero ang katotohanan hindi din namin kayang magbantay ng matindi sa lahat ng oras.
Ang tinutukoy kong pagbabantay ay kagaya ng pagbubudget ng bawat opisina, at mga salary grade ng bawat empleyado, pati nadin ang ghost employees kung tawagin..
Pero hindi sa lahat ng oras tanging mga halal ng bayan ang dapat kumilos at magbigay ng parte para maiwasan ang mga korap na opisyal ng bayan.
Pati mga botante ay may parte sa bagay na ito sapagka't maglagay man kayo ng maglagay ng taong nararapoat maupo, kung ang karamihan naman ay nadadala sa pakikisama bagama't kilala na ang pagkatao't dangal nito, sino kaya ang dapat sisihin? diba't mga botante din?

kadalasan..
Tinatanaw na utang na loob ang pagpapagawa ng basketball court, kalsada, school at ,kung ano ano pa.
- hindi kayo dapat tumatanaw ng utang na loob sa mga nakaupo dahil sa tatlong dahilan, una, ito ay pera ng bayan na inyong ibinayad sa pamamagitan ng tax at ng kung anu-ano pa, pangalawa, ito ay kanilang responsibilidad bilang mga tagapamahala ng bayan, responsibilidad naming bigyan kayo ng magandang edukasyon, kalusugan at magandang kinabukasan at pangatlo, hindi iyan galing sa bulsa nila, galing iyan sa kaban ng bayan na nagpapasweldo sa aming lahat.

minsan, iboboto dahil nabayaran at nakatulong bago maghalalan.
- unang una, hindi kailanman solusyon sa kumakalam na sikmura ang kaunting barya, dahil ang dpat na mas pagtuunan ng panahon at paggawa ay ang PANGMATAGALANG PROYEKTONG PAKIKINABANGAN NG LAHAT LALO NA ANG MGA KABATAAN.