sa aking bespren;
hindi ko naging kasalanan ang iyong pagkatalo sa nagdaang halalan
hindi ko din kasalanan na higit na nakararami ang sayo'y hindi nagmahal
hindi ko din kasalanan ang nangyaring bayaran
lalo't higit ang ilaglag ka noong nakaraang halalan
alam kong alam mo.. na hindi ako nakukuha sa pera
hindi marunong makipagsabwatan at lalong hindi marunong mang-iwan
noon kasi'y ikaw ay sinasabihan, puntahan iyong mga kaanak dahil
sila ma'y ayaw kang manguna sa halalan.
isa sa mga ikinalulungkot ko ang babaw ng iyong pagkakakilala sakin
kakitiran ng tiwalang iyong naibigay sa akin
sukdulang ako'y paratangang nagtaksil.. hindi ka ba nagtataka sa aking nasasambit
hindi ako tinatablan dahil ako'y totoong inosente't walang kinalaman sa iyong sinasabi
malamang sa ganitong paraan sinubok ng tadhana, upang ika'y tunay na makilala
wala ka palang tiwala sa mga taong TAPAT at TOTOO bilang kasama
sa iyong mga bintang, ako sampu ng aking pamilya.. pati iyong mga kamag-anak
na tunay na nakakaalam ng katotohanan.. lalong nawalan ng gana at nagsising ika'y
kanila pang nasuportahan.
sayang ang pagkakaibigan, ang pgiging TAPAT ko sa iyo aking kaibigan..
dahil sa maling hinala at sa sobra mong katalinuhan..
nakalimutan mong tantyahin kung kaya bang gawin ng iyong kaibigan
sayang ang pagkakakilala, pagtingin, tiwala't pagmamahal na sa iyo'y ibinigay
dahil sa pulitika'y bigla kang nagbago't naging marahas magbintang
Sa kabila ng lahat ng ito, sa lahat ng mga komento't hinagpis mo
isa lang ang masasabi ko
hindi mo ko magagalit dahil walang katotohanan ang sinasabi mo
hindi ako tatablan dahil malinis ang konsensya ko
at mapapagal lang ang lalamunan mo sa kakaparinig
ANG ALAM NG DIYOS ANG TYAK NA MANANAIG.
Monday, June 21, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)