Monday, June 21, 2010

BESPREN

sa aking bespren;

hindi ko naging kasalanan ang iyong pagkatalo sa nagdaang halalan
hindi ko din kasalanan na higit na nakararami ang sayo'y hindi nagmahal
hindi ko din kasalanan ang nangyaring bayaran
lalo't higit ang ilaglag ka noong nakaraang halalan

alam kong alam mo.. na hindi ako nakukuha sa pera
hindi marunong makipagsabwatan at lalong hindi marunong mang-iwan
noon kasi'y ikaw ay sinasabihan, puntahan iyong mga kaanak dahil
sila ma'y ayaw kang manguna sa halalan.

isa sa mga ikinalulungkot ko ang babaw ng iyong pagkakakilala sakin
kakitiran ng tiwalang iyong naibigay sa akin
sukdulang ako'y paratangang nagtaksil.. hindi ka ba nagtataka sa aking nasasambit
hindi ako tinatablan dahil ako'y totoong inosente't walang kinalaman sa iyong sinasabi

malamang sa ganitong paraan sinubok ng tadhana, upang ika'y tunay na makilala
wala ka palang tiwala sa mga taong TAPAT at TOTOO bilang kasama
sa iyong mga bintang, ako sampu ng aking pamilya.. pati iyong mga kamag-anak
na tunay na nakakaalam ng katotohanan.. lalong nawalan ng gana at nagsising ika'y
kanila pang nasuportahan.

sayang ang pagkakaibigan, ang pgiging TAPAT ko sa iyo aking kaibigan..
dahil sa maling hinala at sa sobra mong katalinuhan..
nakalimutan mong tantyahin kung kaya bang gawin ng iyong kaibigan
sayang ang pagkakakilala, pagtingin, tiwala't pagmamahal na sa iyo'y ibinigay
dahil sa pulitika'y bigla kang nagbago't naging marahas magbintang

Sa kabila ng lahat ng ito, sa lahat ng mga komento't hinagpis mo
isa lang ang masasabi ko
hindi mo ko magagalit dahil walang katotohanan ang sinasabi mo
hindi ako tatablan dahil malinis ang konsensya ko
at mapapagal lang ang lalamunan mo sa kakaparinig
ANG ALAM NG DIYOS ANG TYAK NA MANANAIG.

Friday, April 9, 2010

TULA KO PARA SA ISANG KAIBIGAN:

TULA KO PARA SA ISANG KAIBIGAN:

kaibigan kong mula sa ikatlong planeta
anong kasalanan ba ang nagawa
bakit ako'y sinisiraang malala?... See More
dahil ba ako'y hindi mo kasing ganda
kaya walang karapatang ihanay sa iyong linya

ang mga iyong pinaniniwalaaan wla namang basehan
kagabi'y nawala kang parang bula
hindi mo nalaman ang katotohanang sinambulat ko na
ang hirap sa kaibigan kong ito
noong nangailangan ng tulong kay bait, kay amo
ng pagtalikod ko'y ang paninira'y abot abot

lagi mong batikos sa akin, ano daw bang nagawa?
baka hindi mo alm tinatauhan lang ng ipinagmamalaki mo
ang mga proyektong ako ang nagsimula at nagbigay ng pag-asenso

kagaya ng aking nasabi
kung ika'y tutulong sa mga sawi
hindi mo na kailangan pang banggitin
sila'y may utang na dapat tanawin

pasensya ka na't ako'y ganito
hindi ko kayang pantayan ang pinagsamahan niyo
ng pinagmamalaki mong kandidato
dahil ako'y mahirap lang at nagpapakatotoo

kung ako'y may nagawang mali at nakasakit
sabihin sa akin at ako'y hihingi ng paumanhin
ngunit sa aking pagkakatnda wala kang inilapit
na hindi ko binigyang pansin

ako'y bukas sa lahat ng tao
kaibigan ng mga bulakenyo
hindi ko hangad ako'y gustuhin at iboto mo
hangad ko lang ay magkaroon
ng hustisya sa mga ginagawa mo

halika't aking ipapaliwanag
kung problema mo lang ay mga proyektong nagawa sa bayan
aayain kitang magkape sa bayan
ng malaan mong mali ang iyong mga pinagkakalat

asahan mong kahit ako'y iyong apihin
hindi padin matitinag sa aking adhikain
hangga't naniniwala mga nagmamahal sakin
paglilingkuran bayang Santa Maria ng walang maliw.

Saturday, April 3, 2010

NAME: LAILANIE AGUILAR
POSITION: MUNICIPAL COUNCILOR
ADDRESS: 175 YAKAL ST. CAMANGYANAN, SANTA MARIA, BULACAN

1. What is your prime reason for running as councilor?

There are three reasons why I wanted to continue pursuing again the councilor position.
1. I want to lessen the corruption.. In the last 8 years of becoming an SK President, a councilor, all they were thinking is we public servants are corrupt. Well definitely there are some people who have the guts to do that, but me? I can't, because I really believe that my NAME is the wealth I only have and that is by sticking to what I believe ,doing what's right and good with HIS guidance.
2. I want to share my talents.. I wanna be a role model.. I know I'm not perfect but what I can give and offer my fellow youth is the wisdom to know what's right and fruitful.
3. I want to touch lives.. When I was an SK President I always do projects that reflect the youth's problems and uncertainties. With the help of the seminars I attended, I tried to reconnect and show them what would their lives be without those things they take for granted and after the 8 years of service, apparently, it's a great success.. THE BOY/GIRL OFFICIAL

2.WHAT WOULD BE YOUR BIGGEST CONTRIBUTION IN CASE YOU WIN IN THE 2010 ELECTION?

The biggest contribution I can give to the people of sta. maria if given a chance to win, is the the ASSURANCE that every vote I cast in the august body will be measured in equality and without personal or pecuniary interests. I'm always here for the youth, there welfare and their future.

3. WHAT DO YOU THINK WILL BE THE DRAWBACKS IN YOUR PERSONAL LIFE AND IN YOUR FAMILY ONCE YOU'VE SEATED AS COUNCILOR?

Serving the people for almost 8 years is not easy. I was a boarder; i don't have the time and chance to talk to my parents.
Your personal life will be publicized.
Credibility is at stake.
You cannot please everyone, you do good.. your bad. You do bad, you’re worst.

4. WHO DO YOU THINK IS YOUR MAIN COMPETITOR AND WHAT ARE YOUR DISADVANTAGES OR EDGES WITH HIM/HER?

Everyone is considered competitor but all i can compete are the voters, why? Even if i think of what I can do or capable of, they can only decide if they will trust me or not.

5. AHICH AMONG THE PROBLEMS ARISING IN OUR HOMETOWN IS THE HARDES TO SOLVE? HOW ARE YOU GOING TO SOLVE THE SAID PROBLEM?

Among the problems I encountered in public service, CRIME and EDUCATION are the top two. Education on the other hand was put to life after we (2004 officials) build the PUP Santa Maria Branch. But as to what I can see in the crimes happening in the municipality, It is best to clear DRUG USERS AND PUSHERS to totally eliminate the Crime related incidents occurring in Santa Maria as well as the weeping mothers of their children’s wrong path.

6. WHY DO YOU COME INTO A POINT OF BEING A POLITICIAN?

I never planned it. It just happened. DESTINY (if i win again, that's the real DESTINY)

7.WHAT CAN YOU ADVICE US STUDENTS, WHO ARE JUST MERELY STARTING TO BUILD OUR AWARENESS IN TODAY'S SITUATIONS AND CIRCUMSTANCES?

From our slogan (I construct this ehem!)
"KINABUKASAN NG BAYAN, NAKASALALAY SA TAMANG PANUNUNGKULAN".
If people are careless in choosing the right people to rule and manage the municipality, tomorrow would be atstake. some people do have priorities, some don't have anything.. but what I want students to learn and realize that by just thinking of who really has good intentions in our municipality, someone that will rule the municipality the way it has to be treated is a great help. Remember that all of the politicians will say and show good things, amazing ways to you but that's not enough. you need to know them more, to know the inner them, their hearts and dreams for our beloved STA. MARIA..


thanks for the opportunity to tell you what I feel.. thanks guys.. keep in touch.!
pasensya na baka po may mali mali, antok na kasi po.. hehe

TULA NG ISANG LINGKOD BAYAN

TULA NG ISANG LINGKOD BAYAN

SA ELEKSYON MAKIKITA
MAGLALABASAN ANG MGA ME PERA
PILIT BIBILIN PAGKATAO MO'T KALULUWA
HINDI ALINTANA ANG KONSENSYA'T ARAL NG AMA
NA HUWAG MONG LANDASIN ANG DAANG MASAMA

MARAMING TAO ANG HINDI NAKAKAKILALA
SA PAGKATAO'T TUNAY NA GINAGAWA
DANGAN NGA LAMANG ATING NAKASANAYAN
IBOBOTO KITA BASTA'T AKO'Y IYONG PAKISAMAHAN

LAHAT NG KANDIDATO'Y MAG-AALAY NG PAGLILINGKOD
SA PUSO'T ISIPAN PAGLILINGKURAN KAYO NG LUGOD
KAYA IKAW MAMBOBOTO MAGING MATALINO
HUWAG TATANAW NG UTANG NA LOOB SA MGA PULITIKO
KUNG ANG PROYEKTO'Y MULA SA PERA NG MUNISIPYO
ITO'Y HINDI KANILA NGUNIT ITO'Y PERA NINYO

ANG LABIS NA KALUNGKUTAN MADALAS TAYONG LUKUBAN
NG GALIT AT POOT SA MGA NANUNUNGKULAN
DAPAT DIN LAMANG NA MAGING MAPAGMATIYAG
SA TUNAY NA DAMDAMIN NG ISANG NAGPAPAHAYAG

AKING LAMANG NASABI SA AKING SARILI
HINDI DAPAT SA NANUNUNGKULAN LAHAT ISISI
DAHIL MAMBOBOTO'Y MAY PARTISIPASYON DIN
SA PAGKAKAROON NG KORAP NA MANINILBI

ISIPIN NIYO MGA KAPATID, ANG BOTO NATI'Y IISA
KAPAG TAYO'Y NAGKAMALI KINABUKASAN NATIN ANG NAKATAYA
TAYO ANG KAWAWA, DAHIL SA PAGKAKAMALING NAGAWA
KAYA AKING PAYO MGA KASAMA
BUKSAN ANG ISIPAN AT TUMAHIMIK MINSAN
KONSENSYA ANG MAGBUBULONG AT SA ATI'Y MAGDIDIKTA
KUNG SINO ANG NARARAPAT NA MGA MAMUMUNO SA ATING BAYAN

LAGI NATING ISASAISIP NA ANG KINABUKASAN NG KABATAAN
AT BAYAN, ITO'Y NAKASALALAY SA TAMANG PANUNUNGKULAN; AT SA INYO
MGA KAIBIGAN NAKASALALAY ANG MGA TAMANG MANUNUNGKULAN.

-KON. LAILANIE AGUILAR

admit the real thing

nakakalungkot isipin na sa panahon ng eleksyon naglalabasan ang mga bagay na may kinalaman sa BAHO ng mga kumakandidato, nandyang yurakan ang pagkatao dahil siya ay ganito, at ganire, mangungurakot, walang alam at higit sa lahat puro nalang kapulaan ang binabanggit ng kahit na sino man.
Madalas kong maisip na dalawa lang pala ang klase ng tao, ISANG ME PAKIELAM, at isang WALANG PAKIALAM.. bakit ko nasabi to? eto ang mga bagay na naisip ko..

:) kung ikaw ay isang taong em pakielam sa bayan at sa lipunan gagawa ka ng paraan para maliwanagan ang tao sa mga hindi nila naiintindihan tungkol sa isang issue at pangyayari lalo na kung may kinalaman sa pondo ng bayan at mga pulitiko..

:) ang mga walang pakielam naman walang pakialam kung sino ang mauupo at mamumuno sa ating bayan basta't iboboto nila kung sino ang gusto nila kahit walang mainam na basehan

:) walang pakialam ang taong boboto lang dahil sa sila ay mabibigyan ng pera at maiibsan ang pansamantlang kalam ng sikmura.


hindi lahat ng sira sa pulitiko lang dapat ibinabato, may mga kasalanan din ang mga namboboto dahil wala tayong gingawa para maituro ang iba sa tamang pamantayan ng pagboto sa ating bayan

Sunday, March 14, 2010

paano nga ba maiiwasan ang mga pulitikong korap..

sa isang sitio sa barangay ng Guyong naimbitahan ang inyong lingkod ng SHIFT Voters. samahan ng mga bagong botante kung saan mamimili sila ng kanilang kandidatong tutulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang minutong pananalita sa harao ng mahigit isang daaang tao.
Pagkatapos magsalita ng lahat ng kandidatong naroroon, panahon naman para magtanong ang mga kabataan sa mga kandidatong nasa harapan.

ang tanong, i don't remember the exact question but i'm sure it's all about how can we prevent corruption if given the chance to win this election.

more or less eto din ung concept ng sagot na ibingay ko.

"halos lahat ng kumakandidato ngayon ay sasabihing babantayan nila ang bawat perang inilalabas ng bayan, susuriin kung ito ba ay karapat dapat na pagtuunan at paglaanan ng pondo ng bayan. Pero ang katotohanan hindi din namin kayang magbantay ng matindi sa lahat ng oras.
Ang tinutukoy kong pagbabantay ay kagaya ng pagbubudget ng bawat opisina, at mga salary grade ng bawat empleyado, pati nadin ang ghost employees kung tawagin..
Pero hindi sa lahat ng oras tanging mga halal ng bayan ang dapat kumilos at magbigay ng parte para maiwasan ang mga korap na opisyal ng bayan.
Pati mga botante ay may parte sa bagay na ito sapagka't maglagay man kayo ng maglagay ng taong nararapoat maupo, kung ang karamihan naman ay nadadala sa pakikisama bagama't kilala na ang pagkatao't dangal nito, sino kaya ang dapat sisihin? diba't mga botante din?

kadalasan..
Tinatanaw na utang na loob ang pagpapagawa ng basketball court, kalsada, school at ,kung ano ano pa.
- hindi kayo dapat tumatanaw ng utang na loob sa mga nakaupo dahil sa tatlong dahilan, una, ito ay pera ng bayan na inyong ibinayad sa pamamagitan ng tax at ng kung anu-ano pa, pangalawa, ito ay kanilang responsibilidad bilang mga tagapamahala ng bayan, responsibilidad naming bigyan kayo ng magandang edukasyon, kalusugan at magandang kinabukasan at pangatlo, hindi iyan galing sa bulsa nila, galing iyan sa kaban ng bayan na nagpapasweldo sa aming lahat.

minsan, iboboto dahil nabayaran at nakatulong bago maghalalan.
- unang una, hindi kailanman solusyon sa kumakalam na sikmura ang kaunting barya, dahil ang dpat na mas pagtuunan ng panahon at paggawa ay ang PANGMATAGALANG PROYEKTONG PAKIKINABANGAN NG LAHAT LALO NA ANG MGA KABATAAN.

Friday, February 26, 2010

meron pa palang nakakainis..

kadalasan.. sa tuwing makakarining ako ng mga istorya ng pang-aabuso sa babae, kaagad agad galit ako sa mga nang-abuso na sa kabila pala nito hindi ko alam kung totoo nga bang sila ay nagkasala o sadyang naging panakip butas ng biktima para mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanya. Hanggang sa may malaan akong istorya na di ko inakalang mangyayari sa tunay na buhay ng isang ordinaryong tao dito sa kanayunan. Ngunit ang hindi ko maintndhan ay kung paano at ano ang motibo ng taong ito upang mangyari at maganap ang pangyayaring iyon. dahil sa gusto kong maprotektahan ang dalawang partido kung saka-sakali mang mabasa nila ito. tamaan ka sana sa sasabihin ko..

"kung ginawa nyo ang isang bagay na pareho ninyo namang gusto noong panahon na yon, iyon ay hindi pananamantala.. ngayon, kung sa paglipas ng panahon nagbago ang nararamdaman ng bawat isa at naghiwalay kayo.. wag mong sirain ang buhay ng tao dahil sa sinaktan ka lang niya.. minsan kailangan mo tanggapin na hindi lahat ng gusto mo ay mapapasaiyo at higit sa lahat, tanggapin mo ang kahihinatnan ng mga bagay na ginawa nyo kasi hindi lang siya ang may gusto noon, may pahintulot ka noon."z

tsk tsk.. so sad..