Saturday, April 3, 2010

admit the real thing

nakakalungkot isipin na sa panahon ng eleksyon naglalabasan ang mga bagay na may kinalaman sa BAHO ng mga kumakandidato, nandyang yurakan ang pagkatao dahil siya ay ganito, at ganire, mangungurakot, walang alam at higit sa lahat puro nalang kapulaan ang binabanggit ng kahit na sino man.
Madalas kong maisip na dalawa lang pala ang klase ng tao, ISANG ME PAKIELAM, at isang WALANG PAKIALAM.. bakit ko nasabi to? eto ang mga bagay na naisip ko..

:) kung ikaw ay isang taong em pakielam sa bayan at sa lipunan gagawa ka ng paraan para maliwanagan ang tao sa mga hindi nila naiintindihan tungkol sa isang issue at pangyayari lalo na kung may kinalaman sa pondo ng bayan at mga pulitiko..

:) ang mga walang pakielam naman walang pakialam kung sino ang mauupo at mamumuno sa ating bayan basta't iboboto nila kung sino ang gusto nila kahit walang mainam na basehan

:) walang pakialam ang taong boboto lang dahil sa sila ay mabibigyan ng pera at maiibsan ang pansamantlang kalam ng sikmura.


hindi lahat ng sira sa pulitiko lang dapat ibinabato, may mga kasalanan din ang mga namboboto dahil wala tayong gingawa para maituro ang iba sa tamang pamantayan ng pagboto sa ating bayan

No comments:

Post a Comment