TULA NG ISANG LINGKOD BAYAN
SA ELEKSYON MAKIKITA
MAGLALABASAN ANG MGA ME PERA
PILIT BIBILIN PAGKATAO MO'T KALULUWA
HINDI ALINTANA ANG KONSENSYA'T ARAL NG AMA
NA HUWAG MONG LANDASIN ANG DAANG MASAMA
MARAMING TAO ANG HINDI NAKAKAKILALA
SA PAGKATAO'T TUNAY NA GINAGAWA
DANGAN NGA LAMANG ATING NAKASANAYAN
IBOBOTO KITA BASTA'T AKO'Y IYONG PAKISAMAHAN
LAHAT NG KANDIDATO'Y MAG-AALAY NG PAGLILINGKOD
SA PUSO'T ISIPAN PAGLILINGKURAN KAYO NG LUGOD
KAYA IKAW MAMBOBOTO MAGING MATALINO
HUWAG TATANAW NG UTANG NA LOOB SA MGA PULITIKO
KUNG ANG PROYEKTO'Y MULA SA PERA NG MUNISIPYO
ITO'Y HINDI KANILA NGUNIT ITO'Y PERA NINYO
ANG LABIS NA KALUNGKUTAN MADALAS TAYONG LUKUBAN
NG GALIT AT POOT SA MGA NANUNUNGKULAN
DAPAT DIN LAMANG NA MAGING MAPAGMATIYAG
SA TUNAY NA DAMDAMIN NG ISANG NAGPAPAHAYAG
AKING LAMANG NASABI SA AKING SARILI
HINDI DAPAT SA NANUNUNGKULAN LAHAT ISISI
DAHIL MAMBOBOTO'Y MAY PARTISIPASYON DIN
SA PAGKAKAROON NG KORAP NA MANINILBI
ISIPIN NIYO MGA KAPATID, ANG BOTO NATI'Y IISA
KAPAG TAYO'Y NAGKAMALI KINABUKASAN NATIN ANG NAKATAYA
TAYO ANG KAWAWA, DAHIL SA PAGKAKAMALING NAGAWA
KAYA AKING PAYO MGA KASAMA
BUKSAN ANG ISIPAN AT TUMAHIMIK MINSAN
KONSENSYA ANG MAGBUBULONG AT SA ATI'Y MAGDIDIKTA
KUNG SINO ANG NARARAPAT NA MGA MAMUMUNO SA ATING BAYAN
LAGI NATING ISASAISIP NA ANG KINABUKASAN NG KABATAAN
AT BAYAN, ITO'Y NAKASALALAY SA TAMANG PANUNUNGKULAN; AT SA INYO
MGA KAIBIGAN NAKASALALAY ANG MGA TAMANG MANUNUNGKULAN.
-KON. LAILANIE AGUILAR
Saturday, April 3, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment