kadalasan.. sa tuwing makakarining ako ng mga istorya ng pang-aabuso sa babae, kaagad agad galit ako sa mga nang-abuso na sa kabila pala nito hindi ko alam kung totoo nga bang sila ay nagkasala o sadyang naging panakip butas ng biktima para mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanya. Hanggang sa may malaan akong istorya na di ko inakalang mangyayari sa tunay na buhay ng isang ordinaryong tao dito sa kanayunan. Ngunit ang hindi ko maintndhan ay kung paano at ano ang motibo ng taong ito upang mangyari at maganap ang pangyayaring iyon. dahil sa gusto kong maprotektahan ang dalawang partido kung saka-sakali mang mabasa nila ito. tamaan ka sana sa sasabihin ko..
"kung ginawa nyo ang isang bagay na pareho ninyo namang gusto noong panahon na yon, iyon ay hindi pananamantala.. ngayon, kung sa paglipas ng panahon nagbago ang nararamdaman ng bawat isa at naghiwalay kayo.. wag mong sirain ang buhay ng tao dahil sa sinaktan ka lang niya.. minsan kailangan mo tanggapin na hindi lahat ng gusto mo ay mapapasaiyo at higit sa lahat, tanggapin mo ang kahihinatnan ng mga bagay na ginawa nyo kasi hindi lang siya ang may gusto noon, may pahintulot ka noon."z
tsk tsk.. so sad..
Friday, February 26, 2010
Saturday, February 13, 2010
I CAN'T PLEASE THEM ALL..
instead of asking people why they don't like me even if I'm doing my best to serve our municipality in the name of righteousness, I'll try a new perspective and way to deal with those people who don't like me..
I must not waste my time asking why and blaming myself because they don't like me.. i don't have to explain myself to them.. I just need to explain myself to HIM.. up there..
"Ignore those people who don't like you 'coz you can't do anything to change the way think about you but rather please those people who truly accepts you wholeheartedly and show you appreciate the trust they've given you.."
I must not waste my time asking why and blaming myself because they don't like me.. i don't have to explain myself to them.. I just need to explain myself to HIM.. up there..
Friday, February 12, 2010
Noon at Ngayon..
Ito'y isang pag-aaral at pag-aanalisa ng mga bagay ng inyong lingkod na tungkol sa naganap sa ating bayan.. maaari din itong maging guide sa mga hindi pa nakakaalam sa pangyayari noong mga nagdaang panahon ng panunungkulan ng aking 2 mayor na naabutan..
Mayor Omeng Ramos noong 22002 (when I was elected as the SK President)
Sa unang pag-upo ko noong panahon ni Mayor omeng noong 2002, dahil pinakabata ako ang kanilang naging bunso, hindi lingid sa aking mga kasamahan ang pagsuporta sa amin ang ama ng bayan noong taon na yon..
Bagama't sunod lahat ang aking gustong mga proyekto para sa kabataan, merong nagsasabi sa isio kong.. bakit parang may kulang.. kulang sa mga bagay na dapat kong gingawa bilang isang halal ng mga kabataan at bilang ex-officio ng Sanggunian.
Sa pagkukulang kong iyon, naging dahilan para maging malabo lalo ang aking pananaw sa katamaan ng mga dapat gawin sa sanggunian, parang everything was all spoon fed, wala ng pag-aaral, and everything were done in easiest way possible.
That made me realize that sa sobrang bait ng isang tao bigla ka nalng aabusuhin hangga't hindi ka umaangal at nakakawala sa koral na iyong kinakukulungan.. hanggang sa dumating ang halalan sa taong 2004..
MAY 2004 ELECTIONS
Ex- Mayor Ato Mateo
Noong hindi pinalad ang aking kinagisnang ama ng bayan na si mayor Omeng noong nakaraang 2004 elections, akala ko tapos na ang maliligayang araw ng mga SK, lalo na ako sa nabait na pakikitungo ng administrasyong Ramos sa mga kabataang tulad ko. Madaming haka-haka ang namuo sa isipan noong mga panahong iyon sa paniniwalang baka wala na akong maisagawang mga proyektong pangkabataan dahil iipitin ang pondo ko.
Sa kabila ng pagkatakot na namuo sa dibdib ko ng mga panahong iyon, naisip kong wala naman sigurong masama na lumapit ako at magtanong kung masusuportahan ba ako ng bagong nakaupong punong bayan ng mga panahong iyon. Sa paglapit kong iyon naisip kong, kung sakaling ako ay kanyang susuportahan, ako'y magpapasalamat, kung hindi naman.. atleast sinubukan ko at nalaman at nasaksihan ko na hindi niya ko masusuporthan.
Dumating ang panahon ng paglapit, at sa hindi ko pa matanggap na katotohanan noon, pumayag siya, at hindi lang sa proyektong iyon ah? sa lahat ng proyektong ipinropose ko sa kanya para sa kabataan sinuportahan niya.. sa ano mang dahilan, hindi ko alam.. ang tanging alam ko lang sa mga panahon na iyon ay ang katotohanang PUMAYAG SIYA.. bakit?
mabilis na dumaan ang panahon at aking nasaksihan ang mga pangyayaring bumago sa Santa Maria, may maganda at pangit na karanasan para sa aking mga kababayan.. minsang naikuwento ko ito sa isang nakakatanda, isa lang ang naging komento niya sa pagsuporta ni Ex- mayor ato sa akin at sa aking samahan..
"Sinusuportahan ka lang noon dahil sinusuyo ka para maging kanila ka (partidong pula).."
Bagama't alam kong parte noon ay totoo, anu pa man ang naging dahilan ng nanalong punong bayan noon sa pagsuporta sakin at sa aking mga ninais na proyektong pangkabataan, isa lang ang katotohanan, pinagbigyan niya ako hindi dahil sa akin lang kundi para ito sa mga kabataan.. at kung ano pa man ang dahilan na ibigay ng iba.. ang importante TAMA ang ginawa niyang pagsuporta sa akin kahit na ako'y mula sa partido ng kaniyang kalaban.
MAY 2007 ELECTIONS
Mahirap ding magdesisyon para sa bayan, dahil sa isang maling desisyon mo, buong bayan ang magdudusa at mahihirapan sa isang desisyon mong nakaapekto ng malaki sa pangkalahatang pagpapatibay ng Sanggunian.
Laging ibinabatikos ng ilan sa mga tao na magnanakaw ng pondo si ganyan at ganoon, nagkapera ka dahil sumang-ayon ka sa kanila.. bumoto ka dahil hawak ka sa leeg ng isang opisyal..
Ano pa man ang sabihin ng iba, ang tanging pagkakaalam ko lang at pinaniniwalaan, pagpalagay nating nangungurakot sila sa pondo ng bayan, (kunot noo) sino pa ba mga naupong administrasyon ang hindi pinaratangan ng nangurakot sa pondo ng bayan? maaaring hindi na natin mababago yan sa mga TRAPO (traditional politicians) na kilala ninyo, pero sino pa ba ang malinis ngayon? sino pa ba ang hindi naparatangan na nagkapera noon? pareho man silang nangungurakot, sino ang mas dapat mong suportahan? alin bang mga proyekto ang mas kapakipakinabang?..
magmula ng napasok ako sa magulong buhay na ito ng mga pulitika, isa na lang ang naging basehan ko sa pagdedesisyon sa kabila ng naguumpugang mga batikos na may involved na pera ang mga proyektong ipinapagawa.. LESSER EVIL.. at kung sino ang may mas kapakipakinabang na proyektong papakinabangan ng buo mong nasasakupan.
Nawa sa panahon ng pamimili ng kandidatong iluluklok sa puwesto nawa sana mapag-isipan ng bawat isa sa atin ang mga taong karapat dapat sa tiwala natin.
kailangan na nating mag-isip at kumilos bago pa mahuli ang lahat, bago pa mawalan na ng kinabukasan ang mga mga magsusulputang henerasyon ng ating mga kabataan..

NASA ATIN ANG SIMULA AT WAKAS..
Bakit nga ba ganun?
Sa tuwing sinasaluduhan ako ng mga SMTMU na nakakakilala sakin, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.. bakit kaya kailangan pang saluduhan ka ng isang taong mas nakatatanda sa akin.. hindi naman sa kinokondena ko ang paggalang ng mga SMTMU sa pwesto, ang sa akin lang ay bilang kabataan na nananatiling kabataan sa paningin ng lahat, mas gugustuhin ko pang ngitian na lamang ako at kawayan kaysa sa saluduhan. lalo na pag nakikita ko ang SMTMU enforcer na kamukha ng tatay ko tapos tatawagin akong ma'am, nakakahiya man pero i managed to tell him "kuya, wag na po ma'am konsehala po ok na.."
hihi nakakahiya.. haha
hihi nakakahiya.. haha
Thursday, February 11, 2010
isn't funny
hindi ba nakakatawa na mas malaking abuloy ang binibigay ng isang pulitiko sa mayamang namatayan kaysa sa naghihikahos na pamilyang namatayan?
hindi ba nakakatawang isipin na nahihiya kaming mga pulitikong magbigay ng maliit na abuloy sa isang pamilya ng namatayang kahit alam natin na hindi naman sila hirap sa buhay, samantalang kapag ang namatayan ay ordinaryong pamilya lang, mas maliit ang abuloy na ibinibigay gayong alam natin na sila ang mas nangangailangan?
hindi ba nakakatawa na mas malaki ang tulong pinansyal ng pamahalaan sa sports kaysa sa mga taong nangangailangan ng gamot?
hindi ba nakakatawa isipin na ang isang tulad ko bagama't alam kong may mga taong ayaw sakin, hindi ko padin makuhang magalit, bagkus sasabihin pang "e ano ngayun kung galit sila sa akin, hindi naman ako galit sa kanila?" how ironic life can be diba?
hindi ba nakakatawa din yung mga bagay na alam mo ng tama, nagbubulagbulagan ka pa dahil tumatanaw ka ng utang na loob sa iyong partido? diba dapat pag TAMA ay TAMA at ang MALI ay MALI?
mas nakakatawang isipin na hindi mo binibilang at sinisino ang mga natulungan mo kahit madaming tao ang bumabatikos at nanghuhusga sayo?
minsan ko ng nasabi na kung tutulong man ako "siguradong ito ay totoo at galing sa puso kaya hindi ko na dapa't pang ipagmalaki sa iba para umangkat ng papuri't parangal mula sa tao"
HINDI KAPWA ANG HUHUSGA SA TULONG AT KABUTIHANG NAGAWA, KUNDI ANG DIYOS NA GUMAWA NG LANGIT AT LUPA.

Wednesday, February 10, 2010
better forget than regret
Minsan.. sa buhay ng tao may makikilala ka.. isang taong magiging parte ng buhay mo at makakaimpluwensya ng husto sayo.. tong tao na to na nakatadhana lang na dumaan sa buhay mo ay kahit kailan man ay hindi mo mapipilit na huminto at lumakad na kasama mo kung ang misyon niya sa mundo ay dumaan lang sa buhay mo.. mainam pa sigurong kalimutan mo nalang ang taong iyon- like he/she never existed.. in the case wherein two people know that they are going nowhere must stop believing, hoping and investing.. not because you're desperate, but because you don't wanna endure the pain longer.. don't want to linger with emptiness and you don't wanna befriend the memories that you know will haunt you forever.. arrrgggghhhh!
MAHIRAP SUMAKAY NG JEEP
ang hirap pala sumakay ng jeep kapag ikaw ay isang pulitiko, hindi mo alam kung sino ang ngingitian mo, sino ang babatiin mo at sino ang may kakilala syo.. nakakahiya man aminin pero poaglabas ko ng bahay namin.. automatic ang pagngiti ko.. dahil may ibang mga tao pag hindi mo nabati galit na.. haaayyy nga naman ang buhay....
Friday, February 5, 2010
Which is good? evil vs. evil
karaniwan tuwing darating ang panahon ng eleksyon naglalabasan ang mga opinyon ng bawat isang tao sa mga nanunungkulan, maaaring tungkol sa aspeto ng kanilang pagkatao, sa aspeto ng kanilang panunungkulan bilang isang halal ng bayan at higit sa lahat ang mga nagawa at lakas ng partidong kinaaaniban.
aminin man natin at hindi lahat ng pulitiko mapipintasan niyo, dahil siguro sa katotohanang ANG MGA TAONG NASA PWESTO AY TAO LANG.. ilan sa mga ito ang katotohanang karamihan sa inyo ay hindi nabibigyan ng pansin ng karamihan..
1. na nagkakaroon ng pagkukulang
2. makakalimutin lalo na sa dami ng nakikilala at nakakasalamuha
3. marupok sa mga tukso ng mundo
4. at hindi perpekto - maaaring sobrang bait o di kaya sobrang tapang
5. nagkakamali sa mga bagay na napagdedesisyunan
Bilang isang halal ng bayan, aminado akong marami akong pagkukulang, siguro dahil gusto ko mang magkaroon ng mga extra projects para sa masa, kulang naman ako ng pondo hindi katulad noon SK pa ako.
Sa dami na ng panahong nakasalamuha ko ang iba't ibang klase ng pag-uugali ng tao, ilan sa mga ito ang common sa kanila..
1. tinatanaw nilang utang na loob ang mga bagay na itinulong ng mga nakaupo sa kanila
fact: sa ilang beses na pagtulong nila sa iyo, habang buhay mo ba naman itong tatanawin? hanggang kelan? ito ba'y hanggang kamatayan?
2. tinatanaw ding utang na loob ng iilan ang pagpapagawa ng mga kalsada sa kanilang harapan..
fact: hindi po sa kanila ang perang ipinampagawa.. inyo po iyan.. binabayad ninyo taon taon po yan, kaya po siguro dapat lang na kayo'y makinabang.
3. akala ng iba ang mga taong nasa posisyon ay maselang at hindi sana'y sa hirap
fact: maaaring yung iba na ipinanganak ng may gintong kutsara sa bibig ay maselan, ngunit ang iba na katulad kong laking bukid, sanay sa tuyo't sardinas.. yan ang katotohanan
4. Akala ng iba kapag nasa posisyon ka, lahat ng magbabago sayo at sa pamumuhay mo ay galing sa pondo ng bayan..
fact: Maaaring yung ibang nakaupo ay ganoon, ngunit bago sana kayo humusga, alamin muna ang tunay na katotohanan.. baka mamaya inutang lang pala sa bangko ng pamilyang yon ang pagpapatayo sa bahay na matagal na nilang pinapangarap..
5. kala ng ibang tao basta nakaupo sa posisyon, maraming pera..
fact: hindi po madami ang sweldo ng mga nakaupo, sa dami po ng humihingi ng tulong at suporta, ang sweldong iyon ay kulang pa para pambigay sa mga lumalapit at nangangailangan.
maaaring mapipintasan niyo kami sa pagtatago namin sa mga taong linggo linggo ay nasa loob ng opisina para humingi ng tulong pinansyal.. (paano kaya kung wala na talagang pera pambigay) hhhaaaayyyy.. kung alam niyo lang..
6. hmm.. hindi naman mahanap yang nakaupo na yan e!
fact: hindi kaya ang paghahanap mo ay kulang? ex. nagpunta sa opisina, hindi nagtanong sa secretary kung nanjan ang hinahanap niya tapos sasabihin hindi makita.. hindi kaya tamang sabihin na kulang ang paghahanap mo.. sana'y pinaalam niyo sa taong nandoon sa opisina na hinahanap niyo siya, o di kaya puntahan sa bahay at ipaalam na siya'y hinahanap.. manhid nalng kami kung di ka pa namin pupuntahan diba??
7. minsan, dadating ang pagkakataon na may makakausap ka na magkukwento ng kung ano ano tungkol sa isang kasamahan, sana'y bago maniwala sa sasabihin ng iba, tignan muna ang kaharap, dahil baka ikaw mismo napapaniwala niya. maging masuri at matalino dahil hindi lahat ng taong nakaupo, totoo ang lahat ng sinasabi sa taong kaharap niya. kilalanin munang mabuti at mag-imbestiga dahil mas mabuting ikaw ang makatuklas kesa sa mapaniwala ng walang basehan.
Lahat ng tao sa mundo may pagkukulang, may kasalanan at may kapintasan.. sa darating na halalan sana'y piliin natin kung alin ang lesser evil sa kanilang lahat.. baka ang taong palaging nagbibiro sayo, palaging nakakausap mo, nakakainuman mo.. hindi mo pala dapat iboto.. sana'y bawat isa sa atin ay maging mapagmasid at maging matalas ang pakiramdam.. wag munang isipin ang magiging lagay mo sa kasalukuyan, ang isipin nati'y ang susunod na kinabukasan ng susunod na henerasyon ng mga kabataan.

Thursday, February 4, 2010
these are my strength
Sa kabila ng pagdadamdam sa napasok kong maduming pulitika, hindi ko padin maiwasang mapasama sa mga naging halal ng bayan, dahil dito ko lang nararanasan ang saya't ligayang hatid ng mga taong naimpluwensyahan mo't natulungan.. ilan sa kanila nagyon ay malalaki na, minsan nilang sinulat ang kanilang nararamdaman bago pa man kami maghiwa-hiwalay..
Dec. 7 2006
all i can say is THANK YOu! dahil your so bait talaga! I love you for dat! wehehehe! thank you po talaga dahil napakabait nyo talaga kahit minsan masungit! joke!he he he!! Sana po wag nyo po ako makakalimutan! nag-enjoy po ako dahil naging part ako ng Boy Girl.. ang saya po! wala na ako masabi! basta po thank you po!
lovelots,
aivee Pinto
Hi ate lai, maraming salamt po sa lahat, ang bait mo sobra at sorry nga po pala dahil makulit me at pasaway sayo. Pero may natutunan naman ako, masaya ako dahil napasok ako dito sa boygirl official at masaya din ako dahil ikaw ang naging counterpart ko at salamat talaga sa lahat lahat. wala na ko masabi, basta ingat at pagbutihin ang trabaho.
Godbless and advance merry xmas!
I love you,
Al
Ate lai, thanks po sa lahat lahat ng ginawa nyo para sa amin.. lalo na dun sa open forum , grabe.. (oops! mejo private na itong problemang shinare niya sa akin)
ate, thanks po talaga sa lahat huh.. im so happy kasi kaht sa one week na to, nakilala namin ang isa't isa.. di ko po ito makakalimutan pati nadin po kayo..
love lots,
charmaine
ate lai,
just want to say thank you for everything. Sa knowledge at help na mahanap ko pa lalo ang sarili ko. hindi ko po makakalimutan ang naging experience ko and i hope na kahit super dami namin, maalala nyo padion ako.. ang bilis ng one week
love lots
ren
ate lai,
elow pu, thanks po sa opportunity. thanks din sa kabaitan nyo samin. magandang experience po ito para sa akin. love ko po kayo.. ingats po lagi muah
love,
maureen
a model youth ate lai,
salamat po sa experience at sa opportunity that you have given us para maexperience ang pagiging isang politician.. kahit mejo ayoko ng politics.. i will make sure na ise share ko po lahat ng lessons na natutunan ko sa ibang kabataan saka po para maiguide ko sila sa right path they must take..
kimverly
ate lai,
i just wanna say thanks po ng mdame! we are so lucky that youve erxerted so much effort just for us to have this very meaningful experience. As a member of the youth, I salutr you ate lai, not only as the SK chairman, but also for being a very nice person. At your very young age, ang dame nyo na palang naging experience, and I hope it made you stronger, and so wth the trials na darating palang, just hold on tight and keep your faith in Him. He will never let down a person with a heart so pure as yours. people who love you are very lucky to have a very pretty, smart and so kind lailanie in their lives, salamat po ulit!
love lots,
gela
ate lai,
tahnk you kasi naging part ako ng boy/girl official.. tska dahil nandyan ka for us.. kahit minsan nagaglit ka.. pero di mo pinapakita samin.. actually dito sa lahat ng sinabi mo totoo.. opakita mo kung ano ka! maghuhubad ka hanggang kaya mo.. I know hindi biro lahat yon.. kasi sa game palang napatunayan ko na yon.. you and kuya arnie.. hanga ako sa inyo.. u know parang ayw ko natumigail kasi one bg happy family tayo.. sana walang kalimutan..im proud to be a boy/girl official of santa maria!
love,
arvie ignacio
ate lai,
lubos po akong nagpapasalamat kay ate lai at sa ibang sk officials (kuya arnie, kuya mark, kuya marlon at ate arlene). sobrang masaya't makabuluhan ang programa nyong boy/girl officials. Di lang ako natuto about sa politics nakatulong pa kami sa mga lolo't lola sa bahay kalinga. di lang yan tinuwid nyo pa yung mga pagkakamali ko, mga maling akala ko'y tama! SOBRANG MAMIMIS ko ung asaran, tawanan, biruan at kasiyahan ng grupo. thank you po talaga! more power po. Godbless
love, JB Ferran
ate lai,
gusto ko lang po magbigay ng letter para sayo para po i-appreciate yung napakainit na pagtanggap niyo po sa amin. tska po gusto ko rin po magpasalamat sa lahat ng naibigay nyo sa amin tulad ng pagkakataong ito para maging aware sa mga nangyayari sa pamahalaan ng Santa maria.
love,
franklin Alejan
ate lai,
thanks for being a good leader to us, dont forget me and us syempre.. i love you te lailanie!
lovingly yours,
gorgonio
ate lai,
sa sandaling panahong nagkasama sama po tayo, na may halong saya at lungkot, doon ko lang po narealize, kung paano makihalibilo sa napakadaming tao, na may iba't-ibang ugali at pananaw sa buhay at paano masanay na nagiisa kahit walang masyadong kaibigan. Taos puso po akong nagpapasalamat sa inyo, sa lahat na ibinigay ninyo sa amin at di po kayo nagkulang sa pangangaral samin sa tama at kung paano bumaba sa level kung ano kami talga. at salamat din po sa lahat ng pagtitiwala at suporta sa aming lahat.
lovelots,
zyra
Nakakatuwa isipin na sa kabila ng mga hinanakit at pangit sa parte ng pulitika ay may huhugutan padin pala ako ng pag-asa at lakas, sila na nagtitiwala at nananalig na meron akong magagawa para sa bayan. maging ito man ay malaki o maliit na bagay para sa bayan. Nabanggit ko noon sa aking sarili na parang nawawalan na ako ng pag-asa pero hindi pala dapat sumuko dahil katulad nila, naniniwala din sila sa tunay kong pagkatao at pakikibaka sa tunay na paglilingkod sa masa.

Wednesday, February 3, 2010
ANG NAKAKAINIS
Sa buhay ng isang taong nakaupo sa posiyon kagaya ko, hindi mawawala ang mga intriga, paratang, husga, pangamamaliit at pangbubuwisit.. at ikaw naman na isang halal ng bayan ay kailangan mong umasta ng tama. huwag patulan ang mga bali- balita at manahimik ng parang wala kang pakialam.. pero paano kung napupuno ka na dahil ikaw ay isang tao lamang?, paano kung ang mga taong nakikinig ay maniwala dahil sa walang kang gingawa.. kailangan na sigurong ipagtanggol agng sarili at sabihin ang pawang katotohan sa mga isyung ipinupukol ng ibang tao sa isang kagaya kong walang imik at mahinahon sa buhay..
Sa isyung:
KUMITA AKO SA MGA PALIGA NG BASKETBALL NA AKING NAHAWAKAN
bilang isang SK president noong 2002 hanggang sa 2006, naging saksi ang maraming kabataan sa mga proyektong pinangungunhan ng inyong lingkod, isa na dito ang paliga ng basketball na idinadaos kasabay ng FIESTA COMMITTEE ng bawat taon. hindi naman naging mahirap ang paghingi ko ng pondo sa aking mga naging punong bayan. pero ang masakit nito ay ang paratang na ako daw ay kumikita sa basketball kung saan kalahating milyon di umano daw ang nakalap ko. Tsk.. kung kumita ako ng kalahating milyong piso ng mga panahong iyon edi sana hindi na ako mismo ang nagwawalis at nagbubuhat ng mga gamit pagkatapos ng laro dahil kayang kaya ko na pala umupa ng tao para gawin ang mga iyon para sa akin.. tsk tsk.. kung ako pala ay kumita ng kalahating milyon sa paligang iyon, hindi na sana ako naghabol sa mga paluwal kung saan dudugo muna ang lahat ng dudugo sayo bago mo maibalik ang mga pinaluwal mo. tsk..tsk..tsk.. sana pala sa panahong palang iyon, me bago na sana akong kotse kung saan makikita mo kung gaano kalaki ang kinita ko di umano. tsk..tsk..tsk..tsk.. kung kumita pala ako ng ganoong halaga di sana hindi na ako nagkautang sa mga repering inaarkila namin sa mga paliga..
*Ang problema naman kasi sa taong salita ng salita at nagkkalat ng tsismis na yan ay dapat tinitignan ang kredibilidad.. baka naman nasa posisyon lang e paniniwalaan na.. maaring siya mismo dapat ng malaman at mapagbintangan dahil baka ikaw ay nadadaan lang sa pakisama.
PARA SA ISYU NA MULA SA ISANG TAUHAN NG MUNISIPYO SA PAPALIT PALIT KO DAW NG TELEPONO
Mayroong isang tauhan sa aming munisipyo ang bumabatikos sa dami daw ng kinita ko dahil sa papalit palit ko ng telepono.. tsk.. Para sabihin ko sa lalaking ito na dati kong napakiusapang tumao at makatulong sa pagbabantay ng paliga, eto ang sasabihin ko sa iyo.. Sa loob ng anim na taon kong panunungkulan bilang isang SK president, ako lang ang sumasarili sa lahat ng gastos ng paligang ito. mula sa kinulang na pagkain, na chalk, bayad sa mga nagwawalis at taga score. lahat ng ito sa pangulo nakaatang (siguro hindi ko ugali ang magpasa ng mga ganitong responsibilidad).. sa loob ng anim na taong iyon napapansin ko na ultimo bonus ko ay naipapaluwal ko ng wala namang resibo (natural mahahbol mo pa ba sa munisipyo kung wala kang prueba?) napag-isip isp kong dapat ay may pinatutunguhan ang aking pera, patutunguhan kung saan nakikita ko at ito ay mula sa aking bonus. tanong? anong masama sa ginawa ko? kasalanan bang gawin kong masaya ang sarili ko sa pagbili ng bagay na gusto ko bago paman maglaho sa kamay ko ng hindi ko alam kung saan natungo?
ISYU SA PAGKAIN

tsk..tsk.. para ipaalala ko sayo lalaki ka (lalaki nga ba?).. hindi mo ba natatandaan na sa tuwing ikaw ang magbabantay ng paliga, sa araw araw na nagdedeliver ng pagkain ang isang karinderya, ilang pagkain ang tinatangay mo pauwi ng walang paalam para ipakain kung kanino man (pamilya o lalaki).. sa kung ilang gabi mo ginawa ang bagay na yan, ilang tao ang hahagilapin namin para pumirma sa pag pagkaing iyong kinuha? hirap sayo salita ka ng salita hindi mo nalalaman na ikaw din pala ang may kagagawan..
LOVE ISYU
nakakatuwang isipin na mayroong isang tao ang nagkakalat ng isang bagay na napakalabong mangyari sa aking buhay, (at wag nman sana) akala siguro ng taong nasa posisyon pa man din na hindi ko alam na siya ang gumagawa at nagkakalat ng mga intrigang napapaloob sa munisipyo ng Santa Maria, nakakalungkot lang isipin na bakit hindi nalang ibang bagay ang paglibangan niya, hindi yung bibili ng simcard, gagawa ng istoryang hndi naman totoo makapanira lang, ipapasa sa lahat ng taong taga rito sa Santa Maria, at saka itatapon para walang ebidensya.. matalino siya diba? pero mas matalino ang ginwa naming pag-aanalisa.. kaya bistado ka na!
AT BILANG PAGLILINAW
Maaaring makakausap ka ng isang taong sasabihing ako ay nahahawakan niya sa leeg sa pagdedesisyon at ng kung ano ano pa.. kaibigan.. hindi ko hahayaang masira lang ng pera ang pagkatao kong dadalhin ko pa hanggang sa pagtanda. Pagkataong, sa kagaya naming MAHIHIRAP ay kayamanan.. Pagkataong, kapag iyong nakilala ng lubusan ay tiyak mong pagtitiwalaan dahil ang kagustuhan ng bagong nanunungkulan, kaayusan, katotohan at pagbabago sa nakagawiang tradisyunal na pamumulitika.
BAGO KAYO SANA MANIWALA SA SASABIHIN NG IILAN, KUNG MAAARI'Y TIGNAN MUNA ANG PAGKATAO NG KAHARAP.. HINDI NAKIKITA SA GANDA NG DAMIT AT MAHAL NG MGA ALAHAS ANG MAGSASABI NG KATOTOHANAN. MARAMING NANJAN ANG NANINIRA.. PERO HINDI LAHAT SA KANILA AY MAY KREDIBILIDAD NA DAPAT PANIWALAAN. HINDI AKO PERPEKTO, HINDI DIN AKO MASYADONG MAGALING PERO LAHAT NG GINAGAWA KO AY ANG MGA BAGAY NA PINANINIWALAAN KONG TAMA AT WALANG BAHID NG KAHIT NA ANONG PAMUMULITIKA AT PERA.

SIMULA... AKO
Isa sa aking mga naging dahilan kung bakit ako nag-alok ng paglilingkod sa bayan ay para matupad ang 3 bagay na nais kong makamit ng aking mahal na inang bayan.
1. Edukasyon para sa kabataan
2. kabuhayan para sa mahihirap
3. bagong pag-asa para sa mga susunod na henerasyon ng mga kabataan
Sa aking panunungkulan bilang Pangulo ng Sangguniang kabataan, naging bukas ang loob at aking isipan sa mga problema ng ating bayan. Naging saksi ako sa dumi ng pulitika sa mga taong hindi ko alam kung tlaga bang buo sa loob ang paglilingkod o dahil sa popularidad o kapangyarihan. Minsan ko ng nagawang talikuran ang aking partidong sinilanagan, para sa isang desisyong kahit kailan man ay hindi ko pinagsisihan. Desisyong nagdaan upang makatulong ng malaki sa ating mga kabataan, hindi lang ngayon hanggang sa magunaw na siguro ang mundo..EDUKASYON..
Bagama't alam kong ang tanging panghahawakan ko lang sa responsibilidad na ito ay tibay ng loob at manhid na tenga sa mga taong walang magawa kundi magparatang at manira, hindi parin ako susuko dahil naniniwala ako sa GOOD KARMA na malinis ang aking konsensya at buo sa loob ko ang pagtulong sa kapwa.
Minsan naiinis na din ako sa sarili ko na kahit alm ko ng niloloko na ako ng taong kaharap ko na humihingi kuno ng tulong, wala padin akong magwa kundi pagbigyan, naisip ko kasi kahit lokohin nila ako, pera lang naman ang nawala sa akin.. hindi ang pagkatao ko.. sila na ang magdadala noon at hindi ako..
pero mas masakit pa pala sa larangang pilit na pinapasok sa akin ang makadinig ng mga bagay na bagama't nakakainis at nakakapaggumigil ng puso mong naiinis, wala kang magawa dahil sa kabila ng pangyuyurak sakin ng talikuran nagagawa ko pang pakisamahan ng tama ang walang pusong taong mapanghusga na sinungaling pa.
Minsan naisip ko, alam kong kulang pa ang mga bagay na dapat kong gawin, hindi pa sapat ang nagawa ko bilang SK president para mapaunlad ang mahal kong bayan.. pero bilang isang halal ng bayan, nandito ako para bantayan at siguraduhing tama ang paggagamitan ng pondo ng ating pamahalaang bayan. Dahil hindi ito pera ng munisipyo, hindi ito pera ng Punong Bayan kundi pera ng sambayanan. Sa kabila nito, kahit ako ay nasa kabilang partido, ako'y hindi magiging hadlang sa Pamahalaang ito para maipatupad ang mga bagay na pakikinabangan ng mga tao, higit sa lahat ay magiging isa pa ako sa magiging daan ng pagkakatupad nito.
Sa akinbg tatlong nais na matupad, isa palang ang natupad, ang iba ay dapat na may ayuda ng mga nakaupo lalo na ng Punong Bayan. Ang pangatlo kong nais,sa ngayon ay hindi ko pa alam kung kailan matutupad pero makakasisiguro ang lahat ng aking mga nasasakupan na ang bawat desisyon na aking nagawa ay base sa paniniwala kong TAMA, walang bahid ng pulitika, walang bahid ng pera sapagkat ang bawat desisyong ito ay manggagaling sa puso ko at sa tulong ng ating ama na nasa langit.
_LANi

Subscribe to:
Posts (Atom)