Wednesday, February 3, 2010

SIMULA... AKO

Isa sa aking mga naging dahilan kung bakit ako nag-alok ng paglilingkod sa bayan ay para matupad ang 3 bagay na nais kong makamit ng aking mahal na inang bayan.

1. Edukasyon para sa kabataan
2. kabuhayan para sa mahihirap
3. bagong pag-asa para sa mga susunod na henerasyon ng mga kabataan

Sa aking panunungkulan bilang Pangulo ng Sangguniang kabataan, naging bukas ang loob at aking isipan sa mga problema ng ating bayan. Naging saksi ako sa dumi ng pulitika sa mga taong hindi ko alam kung tlaga bang buo sa loob ang paglilingkod o dahil sa popularidad o kapangyarihan. Minsan ko ng nagawang talikuran ang aking partidong sinilanagan, para sa isang desisyong kahit kailan man ay hindi ko pinagsisihan. Desisyong nagdaan upang makatulong ng malaki sa ating mga kabataan, hindi lang ngayon hanggang sa magunaw na siguro ang mundo..EDUKASYON..

Bagama't alam kong ang tanging panghahawakan ko lang sa responsibilidad na ito ay tibay ng loob at manhid na tenga sa mga taong walang magawa kundi magparatang at manira, hindi parin ako susuko dahil naniniwala ako sa GOOD KARMA na malinis ang aking konsensya at buo sa loob ko ang pagtulong sa kapwa.

Minsan naiinis na din ako sa sarili ko na kahit alm ko ng niloloko na ako ng taong kaharap ko na humihingi kuno ng tulong, wala padin akong magwa kundi pagbigyan, naisip ko kasi kahit lokohin nila ako, pera lang naman ang nawala sa akin.. hindi ang pagkatao ko.. sila na ang magdadala noon at hindi ako..

pero mas masakit pa pala sa larangang pilit na pinapasok sa akin ang makadinig ng mga bagay na bagama't nakakainis at nakakapaggumigil ng puso mong naiinis, wala kang magawa dahil sa kabila ng pangyuyurak sakin ng talikuran nagagawa ko pang pakisamahan ng tama ang walang pusong taong mapanghusga na sinungaling pa.

Minsan naisip ko, alam kong kulang pa ang mga bagay na dapat kong gawin, hindi pa sapat ang nagawa ko bilang SK president para mapaunlad ang mahal kong bayan.. pero bilang isang halal ng bayan, nandito ako para bantayan at siguraduhing tama ang paggagamitan ng pondo ng ating pamahalaang bayan. Dahil hindi ito pera ng munisipyo, hindi ito pera ng Punong Bayan kundi pera ng sambayanan. Sa kabila nito, kahit ako ay nasa kabilang partido, ako'y hindi magiging hadlang sa Pamahalaang ito para maipatupad ang mga bagay na pakikinabangan ng mga tao, higit sa lahat ay magiging isa pa ako sa magiging daan ng pagkakatupad nito.

Sa akinbg tatlong nais na matupad, isa palang ang natupad, ang iba ay dapat na may ayuda ng mga nakaupo lalo na ng Punong Bayan. Ang pangatlo kong nais,sa ngayon ay hindi ko pa alam kung kailan matutupad pero makakasisiguro ang lahat ng aking mga nasasakupan na ang bawat desisyon na aking nagawa ay base sa paniniwala kong TAMA, walang bahid ng pulitika, walang bahid ng pera sapagkat ang bawat desisyong ito ay manggagaling sa puso ko at sa tulong ng ating ama na nasa langit.

_LANi

No comments:

Post a Comment