Mayor Omeng Ramos noong 22002 (when I was elected as the SK President)
Sa unang pag-upo ko noong panahon ni Mayor omeng noong 2002, dahil pinakabata ako ang kanilang naging bunso, hindi lingid sa aking mga kasamahan ang pagsuporta sa amin ang ama ng bayan noong taon na yon..
Bagama't sunod lahat ang aking gustong mga proyekto para sa kabataan, merong nagsasabi sa isio kong.. bakit parang may kulang.. kulang sa mga bagay na dapat kong gingawa bilang isang halal ng mga kabataan at bilang ex-officio ng Sanggunian.
Sa pagkukulang kong iyon, naging dahilan para maging malabo lalo ang aking pananaw sa katamaan ng mga dapat gawin sa sanggunian, parang everything was all spoon fed, wala ng pag-aaral, and everything were done in easiest way possible.
That made me realize that sa sobrang bait ng isang tao bigla ka nalng aabusuhin hangga't hindi ka umaangal at nakakawala sa koral na iyong kinakukulungan.. hanggang sa dumating ang halalan sa taong 2004..
MAY 2004 ELECTIONS
Ex- Mayor Ato Mateo
Noong hindi pinalad ang aking kinagisnang ama ng bayan na si mayor Omeng noong nakaraang 2004 elections, akala ko tapos na ang maliligayang araw ng mga SK, lalo na ako sa nabait na pakikitungo ng administrasyong Ramos sa mga kabataang tulad ko. Madaming haka-haka ang namuo sa isipan noong mga panahong iyon sa paniniwalang baka wala na akong maisagawang mga proyektong pangkabataan dahil iipitin ang pondo ko.
Sa kabila ng pagkatakot na namuo sa dibdib ko ng mga panahong iyon, naisip kong wala naman sigurong masama na lumapit ako at magtanong kung masusuportahan ba ako ng bagong nakaupong punong bayan ng mga panahong iyon. Sa paglapit kong iyon naisip kong, kung sakaling ako ay kanyang susuportahan, ako'y magpapasalamat, kung hindi naman.. atleast sinubukan ko at nalaman at nasaksihan ko na hindi niya ko masusuporthan.
Dumating ang panahon ng paglapit, at sa hindi ko pa matanggap na katotohanan noon, pumayag siya, at hindi lang sa proyektong iyon ah? sa lahat ng proyektong ipinropose ko sa kanya para sa kabataan sinuportahan niya.. sa ano mang dahilan, hindi ko alam.. ang tanging alam ko lang sa mga panahon na iyon ay ang katotohanang PUMAYAG SIYA.. bakit?
mabilis na dumaan ang panahon at aking nasaksihan ang mga pangyayaring bumago sa Santa Maria, may maganda at pangit na karanasan para sa aking mga kababayan.. minsang naikuwento ko ito sa isang nakakatanda, isa lang ang naging komento niya sa pagsuporta ni Ex- mayor ato sa akin at sa aking samahan..
"Sinusuportahan ka lang noon dahil sinusuyo ka para maging kanila ka (partidong pula).."
Bagama't alam kong parte noon ay totoo, anu pa man ang naging dahilan ng nanalong punong bayan noon sa pagsuporta sakin at sa aking mga ninais na proyektong pangkabataan, isa lang ang katotohanan, pinagbigyan niya ako hindi dahil sa akin lang kundi para ito sa mga kabataan.. at kung ano pa man ang dahilan na ibigay ng iba.. ang importante TAMA ang ginawa niyang pagsuporta sa akin kahit na ako'y mula sa partido ng kaniyang kalaban.
MAY 2007 ELECTIONS
Mahirap ding magdesisyon para sa bayan, dahil sa isang maling desisyon mo, buong bayan ang magdudusa at mahihirapan sa isang desisyon mong nakaapekto ng malaki sa pangkalahatang pagpapatibay ng Sanggunian.
Laging ibinabatikos ng ilan sa mga tao na magnanakaw ng pondo si ganyan at ganoon, nagkapera ka dahil sumang-ayon ka sa kanila.. bumoto ka dahil hawak ka sa leeg ng isang opisyal..
Ano pa man ang sabihin ng iba, ang tanging pagkakaalam ko lang at pinaniniwalaan, pagpalagay nating nangungurakot sila sa pondo ng bayan, (kunot noo) sino pa ba mga naupong administrasyon ang hindi pinaratangan ng nangurakot sa pondo ng bayan? maaaring hindi na natin mababago yan sa mga TRAPO (traditional politicians) na kilala ninyo, pero sino pa ba ang malinis ngayon? sino pa ba ang hindi naparatangan na nagkapera noon? pareho man silang nangungurakot, sino ang mas dapat mong suportahan? alin bang mga proyekto ang mas kapakipakinabang?..
magmula ng napasok ako sa magulong buhay na ito ng mga pulitika, isa na lang ang naging basehan ko sa pagdedesisyon sa kabila ng naguumpugang mga batikos na may involved na pera ang mga proyektong ipinapagawa.. LESSER EVIL.. at kung sino ang may mas kapakipakinabang na proyektong papakinabangan ng buo mong nasasakupan.
Nawa sa panahon ng pamimili ng kandidatong iluluklok sa puwesto nawa sana mapag-isipan ng bawat isa sa atin ang mga taong karapat dapat sa tiwala natin.
kailangan na nating mag-isip at kumilos bago pa mahuli ang lahat, bago pa mawalan na ng kinabukasan ang mga mga magsusulputang henerasyon ng ating mga kabataan..
NASA ATIN ANG SIMULA AT WAKAS..
No comments:
Post a Comment