karaniwan tuwing darating ang panahon ng eleksyon naglalabasan ang mga opinyon ng bawat isang tao sa mga nanunungkulan, maaaring tungkol sa aspeto ng kanilang pagkatao, sa aspeto ng kanilang panunungkulan bilang isang halal ng bayan at higit sa lahat ang mga nagawa at lakas ng partidong kinaaaniban.
aminin man natin at hindi lahat ng pulitiko mapipintasan niyo, dahil siguro sa katotohanang ANG MGA TAONG NASA PWESTO AY TAO LANG.. ilan sa mga ito ang katotohanang karamihan sa inyo ay hindi nabibigyan ng pansin ng karamihan..
1. na nagkakaroon ng pagkukulang
2. makakalimutin lalo na sa dami ng nakikilala at nakakasalamuha
3. marupok sa mga tukso ng mundo
4. at hindi perpekto - maaaring sobrang bait o di kaya sobrang tapang
5. nagkakamali sa mga bagay na napagdedesisyunan
Bilang isang halal ng bayan, aminado akong marami akong pagkukulang, siguro dahil gusto ko mang magkaroon ng mga extra projects para sa masa, kulang naman ako ng pondo hindi katulad noon SK pa ako.
Sa dami na ng panahong nakasalamuha ko ang iba't ibang klase ng pag-uugali ng tao, ilan sa mga ito ang common sa kanila..
1. tinatanaw nilang utang na loob ang mga bagay na itinulong ng mga nakaupo sa kanila
fact: sa ilang beses na pagtulong nila sa iyo, habang buhay mo ba naman itong tatanawin? hanggang kelan? ito ba'y hanggang kamatayan?
2. tinatanaw ding utang na loob ng iilan ang pagpapagawa ng mga kalsada sa kanilang harapan..
fact: hindi po sa kanila ang perang ipinampagawa.. inyo po iyan.. binabayad ninyo taon taon po yan, kaya po siguro dapat lang na kayo'y makinabang.
3. akala ng iba ang mga taong nasa posisyon ay maselang at hindi sana'y sa hirap
fact: maaaring yung iba na ipinanganak ng may gintong kutsara sa bibig ay maselan, ngunit ang iba na katulad kong laking bukid, sanay sa tuyo't sardinas.. yan ang katotohanan
4. Akala ng iba kapag nasa posisyon ka, lahat ng magbabago sayo at sa pamumuhay mo ay galing sa pondo ng bayan..
fact: Maaaring yung ibang nakaupo ay ganoon, ngunit bago sana kayo humusga, alamin muna ang tunay na katotohanan.. baka mamaya inutang lang pala sa bangko ng pamilyang yon ang pagpapatayo sa bahay na matagal na nilang pinapangarap..
5. kala ng ibang tao basta nakaupo sa posisyon, maraming pera..
fact: hindi po madami ang sweldo ng mga nakaupo, sa dami po ng humihingi ng tulong at suporta, ang sweldong iyon ay kulang pa para pambigay sa mga lumalapit at nangangailangan.
maaaring mapipintasan niyo kami sa pagtatago namin sa mga taong linggo linggo ay nasa loob ng opisina para humingi ng tulong pinansyal.. (paano kaya kung wala na talagang pera pambigay) hhhaaaayyyy.. kung alam niyo lang..
6. hmm.. hindi naman mahanap yang nakaupo na yan e!
fact: hindi kaya ang paghahanap mo ay kulang? ex. nagpunta sa opisina, hindi nagtanong sa secretary kung nanjan ang hinahanap niya tapos sasabihin hindi makita.. hindi kaya tamang sabihin na kulang ang paghahanap mo.. sana'y pinaalam niyo sa taong nandoon sa opisina na hinahanap niyo siya, o di kaya puntahan sa bahay at ipaalam na siya'y hinahanap.. manhid nalng kami kung di ka pa namin pupuntahan diba??
7. minsan, dadating ang pagkakataon na may makakausap ka na magkukwento ng kung ano ano tungkol sa isang kasamahan, sana'y bago maniwala sa sasabihin ng iba, tignan muna ang kaharap, dahil baka ikaw mismo napapaniwala niya. maging masuri at matalino dahil hindi lahat ng taong nakaupo, totoo ang lahat ng sinasabi sa taong kaharap niya. kilalanin munang mabuti at mag-imbestiga dahil mas mabuting ikaw ang makatuklas kesa sa mapaniwala ng walang basehan.
Lahat ng tao sa mundo may pagkukulang, may kasalanan at may kapintasan.. sa darating na halalan sana'y piliin natin kung alin ang lesser evil sa kanilang lahat.. baka ang taong palaging nagbibiro sayo, palaging nakakausap mo, nakakainuman mo.. hindi mo pala dapat iboto.. sana'y bawat isa sa atin ay maging mapagmasid at maging matalas ang pakiramdam.. wag munang isipin ang magiging lagay mo sa kasalukuyan, ang isipin nati'y ang susunod na kinabukasan ng susunod na henerasyon ng mga kabataan.
Friday, February 5, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
wala na bang ibang pwedeng i-post maliban sa politics?show some love!
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteyou want some love? heheh eto
ReplyDeletethisishowmyheartewasbroken.blogspot.com