hindi ba nakakatawa na mas malaking abuloy ang binibigay ng isang pulitiko sa mayamang namatayan kaysa sa naghihikahos na pamilyang namatayan?
hindi ba nakakatawang isipin na nahihiya kaming mga pulitikong magbigay ng maliit na abuloy sa isang pamilya ng namatayang kahit alam natin na hindi naman sila hirap sa buhay, samantalang kapag ang namatayan ay ordinaryong pamilya lang, mas maliit ang abuloy na ibinibigay gayong alam natin na sila ang mas nangangailangan?
hindi ba nakakatawa na mas malaki ang tulong pinansyal ng pamahalaan sa sports kaysa sa mga taong nangangailangan ng gamot?
hindi ba nakakatawa isipin na ang isang tulad ko bagama't alam kong may mga taong ayaw sakin, hindi ko padin makuhang magalit, bagkus sasabihin pang "e ano ngayun kung galit sila sa akin, hindi naman ako galit sa kanila?" how ironic life can be diba?
hindi ba nakakatawa din yung mga bagay na alam mo ng tama, nagbubulagbulagan ka pa dahil tumatanaw ka ng utang na loob sa iyong partido? diba dapat pag TAMA ay TAMA at ang MALI ay MALI?
mas nakakatawang isipin na hindi mo binibilang at sinisino ang mga natulungan mo kahit madaming tao ang bumabatikos at nanghuhusga sayo?
minsan ko ng nasabi na kung tutulong man ako "siguradong ito ay totoo at galing sa puso kaya hindi ko na dapa't pang ipagmalaki sa iba para umangkat ng papuri't parangal mula sa tao"
HINDI KAPWA ANG HUHUSGA SA TULONG AT KABUTIHANG NAGAWA, KUNDI ANG DIYOS NA GUMAWA NG LANGIT AT LUPA.
Thursday, February 11, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment