Wednesday, February 3, 2010

ANG NAKAKAINIS

Sa buhay ng isang taong nakaupo sa posiyon kagaya ko, hindi mawawala ang mga intriga, paratang, husga, pangamamaliit at pangbubuwisit.. at ikaw naman na isang halal ng bayan ay kailangan mong umasta ng tama. huwag patulan ang mga bali- balita at manahimik ng parang wala kang pakialam.. pero paano kung napupuno ka na dahil ikaw ay isang tao lamang?, paano kung ang mga taong nakikinig ay maniwala dahil sa walang kang gingawa.. kailangan na sigurong ipagtanggol agng sarili at sabihin ang pawang katotohan sa mga isyung ipinupukol ng ibang tao sa isang kagaya kong walang imik at mahinahon sa buhay..

Sa isyung:
KUMITA AKO SA MGA PALIGA NG BASKETBALL NA AKING NAHAWAKAN

bilang isang SK president noong 2002 hanggang sa 2006, naging saksi ang maraming kabataan sa mga proyektong pinangungunhan ng inyong lingkod, isa na dito ang paliga ng basketball na idinadaos kasabay ng FIESTA COMMITTEE ng bawat taon. hindi naman naging mahirap ang paghingi ko ng pondo sa aking mga naging punong bayan. pero ang masakit nito ay ang paratang na ako daw ay kumikita sa basketball kung saan kalahating milyon di umano daw ang nakalap ko. Tsk.. kung kumita ako ng kalahating milyong piso ng mga panahong iyon edi sana hindi na ako mismo ang nagwawalis at nagbubuhat ng mga gamit pagkatapos ng laro dahil kayang kaya ko na pala umupa ng tao para gawin ang mga iyon para sa akin.. tsk tsk.. kung ako pala ay kumita ng kalahating milyon sa paligang iyon, hindi na sana ako naghabol sa mga paluwal kung saan dudugo muna ang lahat ng dudugo sayo bago mo maibalik ang mga pinaluwal mo. tsk..tsk..tsk.. sana pala sa panahong palang iyon, me bago na sana akong kotse kung saan makikita mo kung gaano kalaki ang kinita ko di umano. tsk..tsk..tsk..tsk.. kung kumita pala ako ng ganoong halaga di sana hindi na ako nagkautang sa mga repering inaarkila namin sa mga paliga..

*Ang problema naman kasi sa taong salita ng salita at nagkkalat ng tsismis na yan ay dapat tinitignan ang kredibilidad.. baka naman nasa posisyon lang e paniniwalaan na.. maaring siya mismo dapat ng malaman at mapagbintangan dahil baka ikaw ay nadadaan lang sa pakisama.

PARA SA ISYU NA MULA SA ISANG TAUHAN NG MUNISIPYO SA PAPALIT PALIT KO DAW NG TELEPONO

Mayroong isang tauhan sa aming munisipyo ang bumabatikos sa dami daw ng kinita ko dahil sa papalit palit ko ng telepono.. tsk.. Para sabihin ko sa lalaking ito na dati kong napakiusapang tumao at makatulong sa pagbabantay ng paliga, eto ang sasabihin ko sa iyo.. Sa loob ng anim na taon kong panunungkulan bilang isang SK president, ako lang ang sumasarili sa lahat ng gastos ng paligang ito. mula sa kinulang na pagkain, na chalk, bayad sa mga nagwawalis at taga score. lahat ng ito sa pangulo nakaatang (siguro hindi ko ugali ang magpasa ng mga ganitong responsibilidad).. sa loob ng anim na taong iyon napapansin ko na ultimo bonus ko ay naipapaluwal ko ng wala namang resibo (natural mahahbol mo pa ba sa munisipyo kung wala kang prueba?) napag-isip isp kong dapat ay may pinatutunguhan ang aking pera, patutunguhan kung saan nakikita ko at ito ay mula sa aking bonus. tanong? anong masama sa ginawa ko? kasalanan bang gawin kong masaya ang sarili ko sa pagbili ng bagay na gusto ko bago paman maglaho sa kamay ko ng hindi ko alam kung saan natungo?

ISYU SA PAGKAIN
tsk..tsk.. para ipaalala ko sayo lalaki ka (lalaki nga ba?).. hindi mo ba natatandaan na sa tuwing ikaw ang magbabantay ng paliga, sa araw araw na nagdedeliver ng pagkain ang isang karinderya, ilang pagkain ang tinatangay mo pauwi ng walang paalam para ipakain kung kanino man (pamilya o lalaki).. sa kung ilang gabi mo ginawa ang bagay na yan, ilang tao ang hahagilapin namin para pumirma sa pag pagkaing iyong kinuha? hirap sayo salita ka ng salita hindi mo nalalaman na ikaw din pala ang may kagagawan..


LOVE ISYU
nakakatuwang isipin na mayroong isang tao ang nagkakalat ng isang bagay na napakalabong mangyari sa aking buhay, (at wag nman sana) akala siguro ng taong nasa posisyon pa man din na hindi ko alam na siya ang gumagawa at nagkakalat ng mga intrigang napapaloob sa munisipyo ng Santa Maria, nakakalungkot lang isipin na bakit hindi nalang ibang bagay ang paglibangan niya, hindi yung bibili ng simcard, gagawa ng istoryang hndi naman totoo makapanira lang, ipapasa sa lahat ng taong taga rito sa Santa Maria, at saka itatapon para walang ebidensya.. matalino siya diba? pero mas matalino ang ginwa naming pag-aanalisa.. kaya bistado ka na!

AT BILANG PAGLILINAW

Maaaring makakausap ka ng isang taong sasabihing ako ay nahahawakan niya sa leeg sa pagdedesisyon at ng kung ano ano pa.. kaibigan.. hindi ko hahayaang masira lang ng pera ang pagkatao kong dadalhin ko pa hanggang sa pagtanda. Pagkataong, sa kagaya naming MAHIHIRAP ay kayamanan.. Pagkataong, kapag iyong nakilala ng lubusan ay tiyak mong pagtitiwalaan dahil ang kagustuhan ng bagong nanunungkulan, kaayusan, katotohan at pagbabago sa nakagawiang tradisyunal na pamumulitika.

BAGO KAYO SANA MANIWALA SA SASABIHIN NG IILAN, KUNG MAAARI'Y TIGNAN MUNA ANG PAGKATAO NG KAHARAP.. HINDI NAKIKITA SA GANDA NG DAMIT AT MAHAL NG MGA ALAHAS ANG MAGSASABI NG KATOTOHANAN. MARAMING NANJAN ANG NANINIRA.. PERO HINDI LAHAT SA KANILA AY MAY KREDIBILIDAD NA DAPAT PANIWALAAN. HINDI AKO PERPEKTO, HINDI DIN AKO MASYADONG MAGALING PERO LAHAT NG GINAGAWA KO AY ANG MGA BAGAY NA PINANINIWALAAN KONG TAMA AT WALANG BAHID NG KAHIT NA ANONG PAMUMULITIKA AT PERA.


1 comment: